looking for love + etc.
Saturday, January 20, 20078:02 PM
di ko parin makalimutan yung kwento ni friend#3. isang malaking WOW. note: all caps ang wow.
para kasing masyadong "wtfh!?!" ang magiging reaksyon ko kapag ganun ang narinig ko, buti nalang kalmado pa ako at napangiti na lang. pero in fairness, nakakatuwa ang mga pangyayari sa kanya. crushie na niya itong si classmate na hindi kahit anong tingin mo ay hindi pasado sa kanyang standards. pero heck, crush na crush na niya at nakakakilig ang moment nila ha. at nainggit naman daw ako? no tenk yu.
hindi ko sinasabing mahal niya na si classmate pero yung katotohanan na itong si classmate na hindi niya taste ay siya pa ngayong dahilan ng pagiging pre-occupied niya. o diba sosyal? siguro nga, ang love ay hindi hinahanap. kusa na lang darating. at whether you like or not (the person or the moment), hinding-hindi ka makakalusot. basta mo na lang mararamdaman.
awwww... how sweet. nyay, isa na akong fan ng kanilang lab story.
kelan pa kaya ako maiinlababo?? hay...
------------------------------->
nice. namiss kong magsulat ng post in filipino. at nahirapan ako, sa totoo lang. siguro dahil nasanay lang ako kaka-ingles at dahil para na rin sa mga taong napapadaan sa blog ko na hindi nakakaintindi ng mga pinagsasasabi ko. (yes, mahal ko ang aking mga mambabasa kahit walang kwenta ang blog ko.) medyo napapahaba na ang post ko kaya mamadaliin ko na lang yung iba ko pang sasabihin..
*** sabi ni kuya star (lab technician sa school) na madaldal daw ako at hindi ko kayang tumahimik. akala niya lang yun, maghintay siya at sa thursday ay tatahimik ako.
*** hindi ako nakauwi ng cebu ngayon para sa sinulog dahil may klase. hindi ako sinama ni mama. T_T nalungkot naman ako.
*** kahit papano ay less-depressed na ako. mga 98% na lang akong depressed.
*** nakakabaliw ang photoshop at imageready. 2 gabi akong puyat dahil lang sa kakagawa ko ng avatars/icons at kung ano-ano pa. o_O
*** nagpapanic na ako para sa isusuot sa debut ni kaille. bawal ang black at white at formal ito. gawd. wala akong formal na damit, semi-formal lang. at kamusta naman... black lang ata ang kilala kong option pag bumibili ako ng damit na pang-party. at wala rin akong sapatos. at wala rin akong pera dahil kailangan ko yung pera para sa research/semi-thesis namin. NAMANNNN!!! kawawang bata naman ako. [bakit ba kasi nauso pa ang formal attire?!?]
ayan, so far, nasabi ko naman na ata lahat ng dapat kong sabihin. wish me luck.
EDIT: naalala ko bigla ang usapang boys namin ng 'kada. ... oh how we all love JOHN CENA. &hearts haha. yes, you
heard read it right. hindi ko ikinakahiyang mahilig ako manood ng RAW, afterburn at lahat na ng WWE shows. haha. nakakatuwang malaman na nung nagbubuntis ang nanay ko sa akin at sa isa kong kapatid ay paborito niyang panoorin ang WWE... dun niya siguro ako ipinaglihi maliban sa sotanghon. sinong makakalimot kay hulk hogan na dilaw na dilaw at mahilig magpunit ng damit? at kay undertaker na tumitirik ang mata at mahilig ilagay ang nakakalaban niya sa kabaong? at si bret hart na aminado akong crush ko nung bata pa ako.. hay... memories memories.
UY! WWE PALABAS SA TV!! SUGOD!!
Labels: love. crush. rants.
||